MANILA, Philippines - Sasampahan ng kaso ng Quezon City Police District (QCPD) ang apat na lider ng militanteng grupo na sangkot sa nangyaring karahasan sa Agham road sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.
Ayon kay QCPD director Senior Supt. Richard Albano, mangunguna sa pagsasampa ng kaso laban sa mga lider ng grupo si Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Police Station 2. Kabilang sa ihaÂharap ang mga kasong indirect assault, obstruction at illegal assembly laban sa apat na lider ng Kadamay.
Kinilala ni Albano ang apat na lider ng Kadamay na sina Estelita Bagaspas, Arnulfo Anoos, Carlito Badion, at Josephine Lopez.
Inakusahan din ng opisÂyal ang mga lider na siyang ugat para magkaroon ng karahasan sa pagitan ng pulis at mga informal settlers noong Lunes sa may kahabaan ng Agham Road sa San Roque II, Brgy. Bagong Pag-Asa.
Sabi ni Sanchez, hindi umano dalawa kundi limang pulis ang nasugatan sa inÂsidente matapos tamaan ng bato ang mga ito na kinilalang sina PO1 Larry TaÂguiling, PO2 Ricky Gacelo, PO1 Nagal Kares, PO3 Rodolfo Sabucor, at PO2 Ruel Larobis.
Dagdag ni Sanchez, naÂtaÂmaan din ng mga nagproÂtesta ang tatlo pang katao kaÂbilang ang Commission on Human Rights (CHR) reÂpreÂsentative na si Marilyn Espiritu.
Magugunitang alas-7 ng umaga nang magsimulang magprotesta ang may 200 katao sa may kahabaan ng Agham Road para pigilan ang nakatakdang demolisÂyon sa kanilang lugar.
Pero sabi ni Sanchez, wala naman umanong demolisyon kundi pinigilan lamang sila para magsagawa ng rally sa kalye na nagdudulot ng trapik sa mga motorista.