4-anyos hinalay sa motel

MANILA, Philippines - Hindi nakuntento sa ina, maging ang 4-anyos na anak na babae ng kanyang ka-live-in ay ni-rape ng 33-anyos na lalaki kamaka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Pormal na kakasuhan ng pulisya ang suspek na si Jordan Tabago ng #2162 P. Binay Street, Brgy. Bangkal, Makati City.

Sa ulat ng Pasay Police-Women’s and Children’s Protection Desk, unang inireklamo si Tabago ng kanyang dating ka-live-in na si Jennifer Blando, 33, matapos matuklasan nitong Sabado ng gabi ang ginawang panghahalay sa kanyang anak na babae.

Ayon kay Blando, nagmakaawa ang suspek na makipagkita sa kanya noong Sabado kung saan pinaunlakan naman nito at isinama niya ang anak na babae.

Nagkita ang suspek at ang mag-ina sa Aurora Boulevard bago nag-check-in sa Park & View Motel sa Pasay City.

Habang nasa loob ng silid ng nasabing motel, na­katanggap ng tawag sa cellphone si Blando mula sa kasintahan niyang OFW sa Saudi Arabia na ikinagalit naman ng suspek.

Ipinasya ni Blando na lumabas muna sa silid at iniwan­ ang anak kay Ta­bago at nang bumalik ay umiiyak na ang anak kaya agad na silang umalis. 

Kamakalawa ng hapon lamang nabatid ni Blando ang pangmomolestiya sa anak nang dumaing ito ng pananakit ng ari. 

 

Show comments