Guro ninakawan, pinatay ng akyat-bahay

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 64-anyos na guro matapos na pagtulungang saksakin ay pinagnakawan pa ng Akyat-Bahay Gang sa Brgy. San Agustin, Nova­liches, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Daniel Pagatpatan, guro sa San Agustin Elementary School at nakatira sa Camia Street, MCB-1 sa nasabing ba­rangay.

Sa ulat ni SPO1 Joselito Gagasa, natagpuan ang duguang katawan ng biktima ng kanyang anak na si Nick Lorenzo Pagatpatan.

Bago naganap ang krimen, naiwang mag-isa sa bahay ang biktima noong Hunyo 28 matapos dumalo ang kanyang mag-ina sa death anniversary ng kanilang kaanak sa Tagaytay City, Cavite.

Pagbalik ng mag-ina ay nagkalat na ang mga gamit sa loob ng kanilang bahay­ kung saan natagpuan ang duguang katawan ng biktima at nawawala ang laptop, IPhone, mga alahas, at pitaka ng biktima habang patuloy naman ang imbestigasyon.

 

Show comments