MANILA, Philippines - Isang tindero ng balut ang nasawi makaraang makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR), kamakalawa ng umaga sa Taguig City. 

Hindi na umabot ng buhay sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Daniel Dagquit, reÂsidente ng Purok 5 Barangay Tanyag, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Taguig City Police, parating ang tren ng PNR na may body number DMR-07 nang tangkain pa rin ng biktima na unahan ito sa pagtawid sa riles dakong alas-10:55 ng umaga sa naturang lugar.

Ayon sa ilang mga testigo, nakaladkad pa ng ilang metro ang biktima bago tuluyang huminto ang tren nang sigawan ang operator nito na may nabangga.
Kusang-loob namang isinuko ang sarili ni Angel Coldas, ang operator ng tren, na iniimbestigahan ngayon ng pulisya upang alamin kung may kapabayaan siyang nagawa na naging dahilan ng pagkamatay ng biktima.