MANILA, Philippines - Isang rider ang naÂÂÂmatay matapos na tumilapon mula sa kanÂyang motorsiklo at maÂÂgulungan ng dump truck nang mawalan ng preno kamakalawa ng gabi sa Taguig City.
Dead-on-the-spot si Roderick Hisaran, 31, nakatira sa #21 San Sebastian, Kawit, Cavite.
Ayon sa imbestigasyon ni P03 Jerry Ricablanca, ng Station Investigation Division (SID), Taguig City Police, naganap ang insidente dakong alas-11:40 ng gabi, malapit sa Hagonoy Pumping Station, C-5 Road, Bgy. Hagonoy ng nabanggit na lungsod.
Nabatid na minamaneho ng biktima ang kanyang Honda Motorcycle na may plakang UI-5914 sa kahabaan ng south bound ng C-5 Road nang mawalan ng preno at magresulta sa kanyang pagtilapon sa kabilang lane.
Paparating naman ang isang dump truck na may plakang RHP-763, na minamaneho ni Romeo Reyes Jr., 44, may asawa, taga Block 6, Lot 5, Percon St., Br gy. Tin Tin, Tandang Sora, Quezon City kung saan nagulungan ang biktima.
Nasa custody ng puÂlisya ang driver ng truck at patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.