SB, Bistek at Joy B manunumpa sa QMC

MANILA, Philippines - Manunumpa na sa  kanilang tungkulin  ngayong linggo ng  umaga ang mga nanalong kandidato sa QC sa  pangunguna nina  reelected 4th district Congressman Feliciano “SB” Belmonte, QC  Mayor Herbert M. Bautista, Vice-Mayor Joy Belmonte  sa Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle (QMC) sa QC.

Alas-10 ng umaga ay  haharap ang naturang mga opisyal kay   Associate Justice Ma. Elisa Sempio Diy ng Court of Appeals bilang in­ducting officer.

Sa kanyang inaugural speech, sinabi ni  Mayor Bautista na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang developmental thrusts para sa susunod na tatlong taon na nagpamalas na ng pagsigla ng ekonomiya ng lunsod sa pamamagitan ng mga bagong polisiyang naipatutupad sa pagbubuwis, fees, exploration ng mga bagong revenue sources at pagpapalabas sa  profitability ng QC economic enterprises at magsisilbing  key components.

Palalakasin din ang paglalaan ng trabaho  sa mga taga-QC, pagkakaroon ng  waste-to-energy facility, innovation sa transport system, reduction ng carbon footprint at relokasyon ng mga  informal settler families gamit ang  disaster risk reduction management policy bilang  framework na siya ring naipatupad noong mga nagdaang taon ng panunungkulan sa lungsod.

Bukod kina SB, Bistek at Joy B.,  manunumpa din  kay Diy na noo’y nagsilbing hukom sa  Metropolitan at  Regional Trial Courts ng QC ang iba pang nanalo sa congressional re­presentatives at 36  na elected members ng  QC council.

 

Show comments