SB, Bistek at Joy B manunumpa sa QMC
MANILA, Philippines - Manunumpa na sa kanilang tungkulin ngayong linggo ng umaga ang mga nanalong kandidato sa QC sa pangunguna nina reelected 4th district Congressman Feliciano “SB†Belmonte, QC Mayor Herbert M. Bautista, Vice-Mayor Joy Belmonte sa Liwasang Aurora, Quezon Memorial Circle (QMC) sa QC.
Alas-10 ng umaga ay haharap ang naturang mga opisyal kay Associate Justice Ma. Elisa Sempio Diy ng Court of Appeals bilang inÂducting officer.
Sa kanyang inaugural speech, sinabi ni Mayor Bautista na ipagpapatuloy ng kanyang administrasyon ang developmental thrusts para sa susunod na tatlong taon na nagpamalas na ng pagsigla ng ekonomiya ng lunsod sa pamamagitan ng mga bagong polisiyang naipatutupad sa pagbubuwis, fees, exploration ng mga bagong revenue sources at pagpapalabas sa profitability ng QC economic enterprises at magsisilbing key components.
Palalakasin din ang paglalaan ng trabaho sa mga taga-QC, pagkakaroon ng waste-to-energy facility, innovation sa transport system, reduction ng carbon footprint at relokasyon ng mga informal settler families gamit ang disaster risk reduction management policy bilang framework na siya ring naipatupad noong mga nagdaang taon ng panunungkulan sa lungsod.
Bukod kina SB, Bistek at Joy B., manunumpa din kay Diy na noo’y nagsilbing hukom sa Metropolitan at Regional Trial Courts ng QC ang iba pang nanalo sa congressional reÂpresentatives at 36 na elected members ng QC council.
- Latest