Driver ng school service, utas sa rider

MANILA, Philippines - Isang driver ng school service ang sugatan makaraang pag­babarilin ng naka-motorsiklong suspect sa Commonwealth Avenue­, lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon sa inisyal na ulat ng Anonas Police Station, nakilala ang biktima na si Joseph Cruz, 49, na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan ay ginagamot ngayon sa East Avenue­ Medical­ Center.

Si Omar umano ay driver at operator ng school service ng Philippine Science high School at residente sa Parang Mari­kina,  ayon pa sa ulat.

Masuwerte na lamang umanong walang sakay na estud­yante ang biktima nang ratratin ito ng nasabing suspect.

Nangyari ang insidente sa may Emergency Bay corner Commonwealth Avenue, sa harap ng Commission on Human Rights ganap na alas-6:30 ng umaga.

Diumano, binabagtas ni Omar ang nasabing kalye patu­ngong Fairview nang biglang sumulpot ang isang lalaking nakasakay ng motorsiklo at pagbabarilin ito.

Patuloy ang imbestigasyon ng Quezon City Police Station 9 sa nasabing insidente.

 

Show comments