Barberong naingayan sa bilyaran, kritikal
MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang barbero maÂtapos na saksakin ng isang lalaki na kanyang sinaway at binatukan dahil sa maingay na paglalaro ng bilyar sa Valenzuela City kamakalawa ng gabi.
Inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktima si Rotnick Longino, 37, ng Ciudad Grande, Bgy. Lingunan ng naturang lungsod.
Pinaghahanap naman ng mga pulis si Christopher Delima “alyas Bugokâ€, ng Fernando St., Bgy. Malanday ng naturang lungsod.
Base sa ulat ng Valenzuela City Police, naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi sa lugar ng suspect sa naturang lugar.
Nabatid na dumayo ng bilyar ang biktima at laÂsing ang suspect kung saan maÂingay ito habang naglaÂlaro.
Naasiwa ang biktima at sinaway ang suspect, subaÂlit nagpatuloy pa rin sa pag-iingay na naging dahilan upang batukan ito ng biktima.
Nagalit ang suspect na naging dahilan upang magsuntukan subalit nagawang mabunot ng una ng dalang patalim at pagsasaksakin ang biktima.
Kahit sugatan ay nagawang makatakbo ng biktima at nakahingi ng tulong hanggang dinala ito sa naturang ospital at mabilis namang tumakas ang suspect.
- Latest