MANILA, Philippines - Arestado ang isang security guard makaraang maÂÂ huli sa closed circuit teleÂÂvision (CCTV) habang pinagÂnanakawan ang biÂnaÂbantayan niyang kumpanya sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Kinilala ang suspect na si Joel Presente, 37, may-asawa ng no. 3 Brgy. Parada, Sta. Maria, Bulacan.
Si Presente ay inaresto base sa reklamo ng QC Styro Packaging Corporation sa pamamagitan ng kiÂnaÂÂtawan nitong si Eduardo Duran, 50, machine shop supervisor.
Ayon kay SPO1 Harry S. Budomo, may-hawak ng kaso, ang suspect ay anim na buwan nang naglilingkod bilang security guard ng QC Styro Packaging Corporation na matatagpuan sa no. 1200 MCY Bldg., Edsa, Brgy. Bahay Toro.
Nangyari ang insidente sa pagitan ng alas-3:00 hangÂgang alas-3:30 ng maÂdaling-araw.
Nagbabantay ang suspect sa gusali at nang ma kakuha ng tiyempo ay saka sinimulan ang pagnaÂnakaw.
Kitang-kita naman sa caÂmera sa loob ng gusali ang ginawang pagnanakaw ng suspect, dahilan para siya arestuhin.
Tinangay ng sekyu ang limang set ng fruit juice cup molds P330,000; isang set ng Ice monster molds P60,000; tatlong piraso ng Bowl molds P90,000; isang piraso ng EPS cup mold P25,000; at isang piraso ng insert mold P7,500. Ang lahat ng nabanggit na items ayon sa awtoridad ay hindi na narekober.