^

Metro

3 pang akusado sa Maguindanao naghain ng ‘not guilty’ plea

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlo  pang akusado sa Maguindanao massacre ang binasahan ng sakdal sa Quezon City Regional Trial Court sa pagpapatuloy na pagdinig kahapon ng umaga sa special court sa  Quezon City Jail Annex sa Camp Bagong Diwa, Taguig City.

Pawang naghain naman ng not guilty plea sa harap ni QCRTC Judge Jocelyn Solis-Reyes ng Branch 221 ang dalawang akusadong sina sina Datu Anwar Ampatuan at Datu Tutukan Malong Salibo dakong alas-9:00 ng umaga habang tumanggi na maghain ng kanyang plea ang ikatlong akusado na si Edris Tekay Nanding.

Batay sa manipesto ni Nanding, nasa Saudi Arabia umano siya nang mangyari ang karudumal-dumal na pamamaslang sa 58 na katao kabilang ang 32 mga mamamahayag noong Nobyembre 23, 2009. Hindi rin umano siya tinutukoy sa charge sheet at isinama lamang siya sa pag-aresto sa pamilyang Ampatuan.

Sa kabila nito, ang korte na ang naghain ng not guilty plea para kay Nanding.

Hindi naman natuloy ang pagbasa ng sakdal kina Datu Akmad at Datu Sajid na mga kaanak din ng mga Ampatuan, dahil sa nakabinbing “petition to postpone arraignment” sa Korte Suprema at muling itinakda ito sa Hulyo 3.

Matatandaan na muling­ binasahan ng sakdal ang mag-aamang sina dating­ Autonomous Region Muslim Mindanao (ARMM) go­vernor Zaldy Ampatuan, da­ting Datu Unsay Mayor Andal Ampatuan Jr. at da­ting Maguindanao Governor Andal Ampatuan Sr. Ampatuan, pawang mga pangunahing akusado sa masaker, noong Mayo 29 at muling naghain ng not guilty plea ang mga ito.

AMPATUAN

AUTONOMOUS REGION MUSLIM MINDANAO

CAMP BAGONG DIWA

DATU AKMAD

DATU ANWAR AMPATUAN

DATU SAJID

DATU TUTUKAN MALONG SALIBO

DATU UNSAY MAYOR ANDAL AMPATUAN JR.

EDRIS TEKAY NANDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with