Fetus nakalublob sa urinal

MANILA, Philippines - Umaalingasaw  sa baho ang limang buwan na fetus na natagpuan habang nakalublob sa urinal ng comfort room ng mga kala­lakihan sa isang gas station sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon sa ulat, ang fetus ay nadiskubre ng isang Doresa Olaya, 42, utility­ worker/caretaker habang­ nakalublob sa comfort room ng mga lalaki sa may Caltex­ gas station na matatagpuan sa Quirino highway Forest Hill, Brgy. Gulod, Novaliches, ganap na alas-6 ng umaga.

Sabi ni Olaya, maglilinis sana siya ng comfort room nang mapuna niya ang masangsang na amoy na tila nabubulok na hayop sa loob nito. Dito na nakita ni  Olaya ang naagnas na fetus.

Giit ng mga kawani ng gas station wala silang napunang kakaibang nangyari sa CR o sinumang tao na pumasok sa kubeta na maaring magtapon ng nasabing nilalang dito.

Gayunman, sabi ng pu­lisya na maaring lalaki din ang nagtapon ng fetus para hindi mahalata dahil imposi­bleng gumamit ng CR ang mga babae sa mga pinasukan ng mga lalaki.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

Show comments