MANILA, Philippines - Patay ang isang 40-anyos na lalaki makaraang barilin habang nagbabantay ng kaniyang sari-sari store, sa Baseco compund, Port Area, Maynila.
Patraydor at nakatalikod na binaril ang biktimang si Efren Prestosa, residente ng Blk.22 , Lot 40, Baseco Compound, Port Area, Maynila, ng isang hindi pa kilalang suspect na mabilis ding tumakas matapos ang pamamaril.
Sa ulat, dakong alas- 8:15 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa mismong tindaÂhan ng biktima, habang ito ay nagbibilang umano ng benta.
Bala sa likod at kamay ang tinamo ng biktima na isinugod sa Justice Jose Abad Santos General Hospital ng kaniyang anak ngunit binawian din ng buhay ilang minuto lamang matapos itong i-admit sa pagamutan.
Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon para mabatid kung ano ang motibo sa naganap na krimen.