Mister itinumba ng 3 armado
MANILA, Philippines - Patay ang isang mister nang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang mga suspect kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Dead-on-arrival sa Tondo Medical Center ang biktimang si Fernando Abaigar, 30, construction worker, ng Flovi homes 7 Phase 6, Letre, Brgy. Tonsuya ng naturang lungsod sanhi ng maraming tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan.
Pinaghahanap naman ang tatlong suspect at ang isa dito ay nakilalang si alyas Ipot, ng Paradize Village ng nasabing barangay.
Naganap ang insidente dakong alas-6:15 ng gabi sa Phase 2, Paradize Village, Brgy. Tonsuya habang naglalakad ang bikÂtima pauwi sa kanilang bahay nang biglang harangin ng armadong kalalakihan na pinangunahan ni ‘Ipot’ at walang sabi-sabing binaril ang una.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang motibo sa nasabing insidente.
- Latest