MANILA, Philippines - Tuluyan nang ipinasara ng Manila City hall ang kompanya ng langis na responsable sa pagkakaroon ng oil spill noong Sabado ng gabi na nagresulta sa hirap sa paghinga ng mga residente sa Sta. Ana, Maynila.
Ayon kina City AdmiÂnistrator Jay Marzan at Bureau of Permits chief, Nelson Alivio dinala ang closure order dakong alas- 4 ng hapon sa Larainnes Marketing na pagmamay-ari ng pamilya Enriquez.
Sinabi ni Marzan na maraming paglabag ang nasabing kompanya kung kaya’t bumuo na sila ng composite team upang mag-imbestiga sa insidente.
Aniya, walang miyembro ang maggagaling sa district office upang maiwasan ang anumang whitewash o pagiging bias sa imbestigasyon.
Nagtataka si Marzan kung bakit nabigyan ng permit ang Larainnes Marketing gayung puro pagÂlabag ang ginawa nito sa pagtatayo ng negosyo ng langis.
Dahil dito, sinabi ni Marzan na maraming ulo ang gugulong at sangkot sa pag-iisyu ng permit.
Matatandaang Sabado ng gabi nang tumagas ang langis mula sa No. 9 bunker ng kompanya hanggang sa umagos sa Ilog Pasig at magdulot ng masangsang na amoy na nakaapekto sa kalusugan ng mga residenteng nakapaligid dito.
Lumilitaw na matagal nang inirereklamo ang nasabing kompanya dahil sa ireponsableng opeÂrasyon nito.