MANILA, Philippines - Binalibag ng isang mister ang isang-taong gulang nitong anak nang uminit ang ulo maÂtapos tanggihan ng kanyang misis na makipag-sex kahapon sa Caloocan City.
Nakakulong sa Caloocan City Police detention cell at nahaharap sa kasong child abuse ang suspect na si July Baret, 58, nakaÂtira sa Julian Felipe St., ng naturang lungsod.
Sa kabutihang palad, ligtas naman ang sanggol.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, kamakalawa ng gabi ay humiling makipag-sex ang biktima sa asawang si Luz.
Subalit tumanggi ang misis, na naging dahilan upang lumabas ng bahay ang suspect at nag-inom.
Dakong alas-4:00 ng madaling-araw, nang bumalik ang lasing na suspect at muling humirit sa misis, subalit muling nabigo at sa asar ay binuhat ang natutulog na anak nilang sanggol at saka ibinalibag sa sahig.
Sa ingay ay napabangon ang ilang kaÂsamahan sa bahay, na tumawag ng mga baÂrangay tanod at pinaaresto ang suspect.