MANILA, Philippines - Utas ang isang bagitong pulis nang pagbabarilin ng kanyang kalugar sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.
Namatay habang ginagamot sa East Avenue Medical Center sanhi ng dalawang tama ng bala sa dibdib ang biktimang si PO1 Mark Jonnel Susano, 25, nakatalaga sa National Capital Region Police Office at residente ng Bagumbong Dulo ng naturang lungsod.
Hinahanting naman ng Caloocan City Police ang suspect na si Mark Anthony Ventura, 24, ng NatiÂvidad Subdivision, Bagumbong ng naturang lungsod.
Inaresto naman ng mga pulis ang mga kapatid ng suspect na sina Susan, 47; at Bienvenido, 20, sa kasong obstruction of justice.
Batay sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang inÂsidente dakong alas-11:30 ng gabi sa Maranaw St., Bagumbong ng naturang siyudad habang nagÂlalakad ang biktima nang salubungin at pagbabarilin ng suspect.
Matapos ang pamamaril ay kaagad na tumakas ang suspect habang ang biktima naman ay dinala sa naturang ospital, subalit binawian din ng buhay.
Sa isinagawang follow-up operation ay pinuntahan ng mga kabaro ng biktima ang bahay ng suspect, subalit hindi binuksan ng mga kapatid nitong sina Susan at Bienvenido ang pinto, na naging dahilan upang tuluyang makaÂtakas ang salarin. Hanggang sa ngayon ay patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang insidente. Malabo pa rin ang motibo sa krimenÂ.