MANILA, Philippines - Patay ang isang 39-anyos na Korean national nang umalma at barilin ng sinaÂsabing kasabwat ng mga ‘batang hamog’ na mandurukot sa Malate, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Namatay habang ginaÂgamot sa St. Luke’s Hospital sa Taguig City ang biktimang si Joong Chulan, binata, at pansamantalang nanunuluyan sa Unit 21-H Malate Bayview Tower, Adriatico St., Malate, Maynila sanhi ng tama ng bala sa katawan.
Tinutugis na ang mga magkakasabwat na batang hamog na kinilalang sina Henry Patriminio, alyas “BukÂnoyâ€, tinatayang 25-28 anyos; Michael Velarde, alyas “Pepingâ€, ng J. Bocobo St., Malate at Romalyn Fernandez, ng 1941 Ma. Orosa St., Malate, Maynila.
Sa ulat ni PO3 Christian Caparas ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Adriatico at Remedios Sts., Malate, Maynila.
Nabatid na kagagaling lamang sa isang bar ng biktima pauwi sa tinutuluyang hotel nang palibutan umano ng isang grupo ng batang hamog na hindi bababa ang bilang sa 10 hanggang 15. Dinukutan umano at inagawan pa ng cellphone ang biktima subalit pumalag.
Nakita umano ng dalawang kasapakat ng mga batang hamog na binatukan ng dayuhan ang mga paslit na nambiktima sa kanya kung saan naglabas ng baril at malapitang pinaputukan ng suspect ang biktima.
Pagbagsak ng biktima, sinamantala naman ni Fernandez na iskobahin o tangayin ang mga gamit at salapi ng biktima.