MANILA, Philippines - Dinismis ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kasong admiÂnistratibo laban kay Supt. Lyndon Torres, Jailwarden ng Manila City Jail at sa mga tauhan nito kaugnay ng noise barrage na isinagawa kamakailan ng mga inmates na Sputnik Gang sa naÂsabing piitan.
Batay sa desisyong inilabas ng BJMP-NCR, walang kasong administratibo na dapat na isampa kina Torres, Insp. Antonio Gayagaya at SJO4 Gemiliano Dionco sa kaso ng pagkakaroon ng noise barrage sa MCJ.
Nakasaad sa desisyon na walang humarap na testigo laban kay Torres upang ilahad ang umano’y katiwalian at pagmamalupit nito sa mga inmates.
Ipinakita naman nina GaÂyaÂÂgaya at Dionco ang kanilang mahigpit na sistema sa MCJ nang hindi nila papasukin ang truck ng construction materials na sinasabing naglalaman ng kontrabando.
Lumilitaw din na taÂnging ang Sputnik Gang lamang ang nagsagawa ng noise barrage matapos na hindi payagang makapasok ang construction materials na gagamitin umano sa pagpapaganda ng harapan ng kanilang brigada.
Samantala, nanawagan naman ang ilang tauhan ng BJMP kay DILG Secretary Mar Roxas na italaga na bilang hepe ng BJMP si Chief Supt. Diony Mamaril na hanggang ngayon ay OIC pa lamang.
Ayon sa mga BJMP personnel, kailangan na magretiro muna si dating BJMP director Rosendo Dial upang mabigyan daan ang pagiging hepe ng BJMP ni Mamaril. Sa ngayon si Dial ay Assistant Secretary at BJMP director.