^

Metro

Noise barrage sa MCJ: Kaso vs warden dinismis

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinismis ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kasong  admi­nistratibo laban  kay Supt. Lyndon Torres, Jailwarden ng Manila City Jail at sa mga tauhan nito kaugnay ng  noise barrage na isinagawa kamakailan ng mga  inmates  na Sputnik Gang sa na­sabing piitan.

Batay sa  desisyong inilabas ng  BJMP-NCR,  walang kasong administratibo na dapat na isampa kina Torres, Insp. Antonio Gayagaya at SJO4 Gemiliano Dionco sa kaso ng pagkakaroon ng  noise barrage sa MCJ. 

Nakasaad sa  desisyon na walang humarap na testigo laban kay Torres upang ilahad ang umano’y katiwalian  at pagmamalupit nito sa mga inmates.

Ipinakita naman nina Ga­ya­­gaya at Dionco ang kanilang mahigpit na sistema sa MCJ nang hindi nila papasukin ang  truck ng construction materials  na sinasabing naglalaman ng kontrabando.

Lumilitaw din na ta­nging ang  Sputnik Gang lamang ang nagsagawa ng  noise barrage matapos na hindi payagang makapasok ang  construction materials na gagamitin umano sa pagpapaganda ng  harapan  ng kanilang brigada.

Samantala,  nanawagan naman  ang ilang tauhan ng BJMP kay DILG Secretary  Mar Roxas na italaga na bilang hepe ng  BJMP si Chief Supt. Diony Mamaril  na hanggang ngayon ay OIC pa lamang.

Ayon sa mga BJMP personnel, kailangan na  magretiro muna  si dating BJMP director Rosendo Dial upang mabigyan daan ang pagiging hepe ng BJMP ni Mamaril. Sa ngayon  si Dial ay Assistant Secretary at BJMP director.

ANTONIO GAYAGAYA

ASSISTANT SECRETARY

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CHIEF SUPT

DIONY MAMARIL

GEMILIANO DIONCO

SPUTNIK GANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with