MANILA, Philippines - Patay nang barilin sa ulo ang isang konduktor nang tumangging ibigay sa dalawang holdaper ang kanyang wallet at cellphone, sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaÂling-araw.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Salvador Ocampo, 30, stay-in sa terminal ng Raymond Transport sa panulukan ng Sta.Teresa at Legarda Sts. Sampaloc.
Natangay din ng mga suspect ang shoulder bag ng nobya nitong si Erica Carabio, 18, ng San Pablo, Laguna.
Sa ulat ni SPO3 Glenzor Vallejo, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-2:40 ng madaÂling-araw nang maganap ang insidente sa panulukan ng Alcantara at Lacson Sts.Sampaloc, Maynila.
Kalalabas pa lamang ng Apitong Apartelle ng biktima at nobya nito nang sundan ng mga suspect at tutukan ng baril saka nagdeklara ng holdap. Itinulak ang magÂnobyo sa gilid ng nakaparadang L-300 van at pedicab at kinuha ang bag ni Carabio habang tumanggi naman si Ocampo na ibigay ang wallet at cellphone.
Agad namang pinutukan ng isa sa suspect ang pumalag na biktima at tumakas nang makitang bumulagta ito.
Nakarekober pa ang mga pulis ng kuwintas sa leeg ng biktima, cellphone at pitaka na naglalaman ng P7,000 na hindi nakuha ng mga suspect.