P81 milyon marijuana plantation sinunog ng PDEA

MANILA, Philippines - Aabot sa 81 mil­yong piso ang halaga ng marijuana na sinunog ng Police Regional Office-Cordillera at Philip­pine Drug Enforcement Agency-Cordillera sa  apat na marijuana plantation sa Sitio Bitulangyuan, Brgy. Luccong, sa bayan ng Ting­layan sa Kalinga.

Ang mga sinunog ay kinabibilangan ng  mga tanim ng marijuana, 1,000 gramo ng tuyong dahon ng marijuana, at 600 gramo ng binhi ng marijuana sa loob ng isang ektaryang plantasyon doon.

Sinasabing aabutin sa may P100 milyon ang halaga ang masisirang marijuana kapag nakumpleto na ang  ope­rasyon ng PDEA  sa pag­tatapos ng buwan ng Hunyo.

Show comments