^

Metro

3 biniktima sa loob ng 5-araw: ‘No bail’ sa serial rapist sa Maynila, giit

Ludy Bermudo at Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinakakasuhan at pina­titiyak ni Manila Mayor Alfredo Lim sa Manila Police District-Station 7 na hindi makapagpipiyansa ang nadakip na serial rapist-holdaper kasabay ng panawagan na rin sa iba pang biniktima nito na lumantad at ipagharap ng kaso ang suspect.

“May iba pa itong ni-rape, naghihintay pa kami ng mga complainant sa pre­sinto, bukod sa dalawa nang bi­niktima nito,” pahayag ni Supt. Roderick Mariano.

Nabatid na nahaharap na sa kasong rape at attempted rape ang suspect na si McYoren Rapis, 23, tricycle driver, alyas Boy P at residente ng  Maliklik St., Gagalangin, Tondo, Maynila.

Maliban sa mga biktimang sina Jenny at Giselle, isang 27-anyos namang re­gistered nurse, ng Maynila ang lumutang at positibong itinuro ang suspect na siyang humoldap sa kanya noong nakaraang Lunes ng gabi.

Nabatid sa rekord ng Rehabilitation Action Center­ (RAC) ng Manila Social Welfare Department  na napiit din si Rapis nang ito ay mahuli sa kasong iligal na droga nang siya ay menor-de-edad pa.

Umamin naman ang suspect  na pinagtangkaan niyang gahasain si Jenny subalit itinanggi nito na siya ang gumahasa kay Giselle, 22, isang pharmacy assistant, noong Hunyo 12, sa bangketa ng J. Abad Santos Avenue  sa Tondo, dakong alas-12:30 ng madaling-araw.

“Sa may bangketa niya ginahasa ’yung anak ko, ibinaba niya ’yung slacks at doon sa mga may nakaparadang sasakyan, sinira pa niya ang damit bago niya iniwan, kaya hindi na­ka­laban ay sinikmuraan niya,” pahayag ng ina ni Giselle.

Si Jenny naman ay kinalawit habang mag-isang nag­lalakad at hinila papasok sa nakaparadang jeep at doon tinutukan ng patalim nitong Hunyo 18, subalit nasipa niya ang suspect habang humahalik kaya nakatakbo at nakahingi ng saklolo sa mga barangay tanod.

Hinabol ng mga nagpapatrulyang barangay tanod ang suspect na naglaho sa Barangay 184, pero nang panoorin ng mga opisyal ng barangay ang CCTV record, nakilala ang suspect  bago inimbitahan sa barangay at saka itinurn-over sa pulisya.

Iniutos naman ni Lim na tiyakin na hindi maka­kapagpiyansa ang suspect sa mga kasong isasampa laban dito.

 

ABAD SANTOS AVENUE

BOY P

HUNYO

MALIKLIK ST.

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

MANILA SOCIAL WELFARE DEPARTMENT

SHY

SUSPECT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with