MANILA, Philippines - Kalunus-lunos ang sinapit ng isang hindi pa nakikilalang lalaki makaraang mabiktima ng hit and run sa Andrews AveÂÂnue sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.
Patay na nang madatnan ng mga rescuers ang biktima na tinatayang nasa 40 hanggang 50-anyos, may taas na 5’4, nakasuot ng kulay asul na t-shirt at short pants.
Batay sa isinagawang imÂbestigasyon ni SPO3 Murrillo ng Traffic Enforcement Unit ng Pasay City Police dakong alas-5:30 ng umaga ng mahagip ng hindi pa mabatid na sasakyan ang biktima sa kahabaan ng Andrews Ave nue, Maricaban ng naturang lungsodÂ.
Dahil sa walang nakasaksi sa insidente, tinakasan ng walang konsensyang tsuper ang kanyang krimen at hinayaan na masawi ang biktima.
Wala namang nakuhang wallet sa katawan ng biktima o anumang dokumento na maaaring pagkunan ng kanyang pagkakakilanlan. Dinala naman ang labi ng biktima sa Rizal Funeral Homes kung saan maaaring mapuntahan ng mga kaanak nito para kilalanin.