Operasyon ng LRT, planong palawigin ngayong tag-ulan
MANILA, Philippines - Plano ng Light Rail Transit Authorities (LRTA) na palawigin ang operating hours ng mga tren nito o kaya’y maglagay ng mga extra trips kung kinakailangan upang makapag-accommodate ng mas maraming pasahero, partikular na ngayong nagkakaroon ng malalakas na pag-ulan sa hapon na nagreresulta sa mga pagbaha at pagka-stranded ng maraming pasahero.
Gayunman, nilinaw ni LRTA spokesman Hernando Cabrera na depende ito sa oras nang pagsuspinde ng klase at office work, gayundin sa bilang ng mga pasahero na naiiwan pa sa istasyon ng LRT.
Ipinaliwanag ni Cabrera na mayroon silang dalawang opsyon kabilang na ang outright na one hour extension ng biyahe kapag malakas ang ulan o di kaya’y paglalagay ng mga extra trip.
Sinabi ni Cabrera na kung maaga namang masususpinde ang pasok sa eskwela at mga opisina ay hindi na kinakailaÂngan pang mag-extend ng operating hours ang LRT.
“Ang critical, ang timing at anong oras pakakawala ang pasahero. Tinitingnan natin kung kailangan nating mag-extend o hindi,†aniya pa.
Sa kabila nito, aminado naman si Cabrera na hindi maÂaaring dagdagan pa ang pagpapalawig sa operating hours dahil maaari itong makaapekto sa maintenance ng kanilang mga tren. Iginiit ni Cabrera na napakadelikado kung mabibitin ang maintenance sa mga tren.
- Latest