^

Metro

UP stude, biktima ng ‘Ipit-taxi’

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang estud­yante ang naging biktima ng ‘Ipit taxi gang’ na gumagala ngayon sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

Dumulog sa Quezon City Police-Cri­minal Investigation and Detection Unit, ang law student ng UP na si Pauline Marie Gairanod, 22, na hinoldap ng driver ng sinakyang taxi kasama ang tatlo pang lalaki.

Ayon sa imbestigasyon, modus operandi ng mga suspect ang magkukunwa­ring namamasada kung saan isa ang magpapanggap na driver habang ang dalawa ay nakatago sa upuan, isa sa harap at isa sa likuran. Ang isa naman sa mga suspect ang naghihintay sa isang kalye­ saka nila isasakay kapag may nakuha nang biktima.

Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Katipunan Avenue, sa lungsod, ganap na alas-7:30 ng gabi.

Sabi ng biktima, sumakay umano siya sa kulay puting taxi at  nagpahatid sa UP, pero ilang sandali pa, sa halip na dumiretso ay lumiko umano ang driver sa hindi mabatid na lugar hanggang sa isang kasamahan nito na nakatago sa harap ng sasakyan ang biglang lumitaw, saka naglabas ng baril at nagdeklara ng holdap.

Mula sa harapan ay lumipat ang nakatagong suspect sa tabi ng biktima, saka kinuha ang kanyang gamit, tulad ng laptop na McBook air, isang  iphone 5; isang unit ng iPod mini Apple at cash na P1,200.

Matapos ito, isa pang suspect na lalaki na naghihintay sa kalye at nakasuot ng rain coat ang hinintuan ng driver saka pinasakay. Nang pababain na ng mga suspect ang biktima sa may Fairview ay sinabihan pa siya ng mga ito ng “wag ka lilingon kung hindi masasaktan ka”.

Dito na nagpasyang magtungo ang biktima sa QCPD-CIDU sa Camp Karingal para magreklamo.

AYON

BIKTIMA

CAMP KARINGAL

DITO

INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

KATIPUNAN AVENUE

METRO MANILA

PAULINE MARIE GAIRANOD

QUEZON CITY POLICE-CRI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with