^

Metro

5 bantay-salakay na sekyu, timbog

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalaboso ang limang security guard matapos na umano’y magnakaw ng mga tanso mula sa binabantayan nilang warehouse sa Brgy. Ugong, Pasig City, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga dinakip na sina PJ Balido, 20; Ric Lopes, 36; Joel Lopez, 21; Jerry­ Donato, at Rex Apostol, 29.

Ang lima ay pawang empleyado ng Golden Summit Security Agency at nakatalaga sa FF Cruz Construction Company, na matatagpuan sa Brgy.  Ugong, Pasig City.

Batay sa ulat ni PO3 Ri­cardo Allapitan ng Pasig City Police, nabatid na dakong ala-1:00 ng madaling-araw nang umano’y ilabas ng mga guwardiya ang kilu-kilong tanso mula sa kanilang binabantayang warehouse.

Tinangka pa umano ng mga suspek na kumbinsihin ang kapwa nila guwardiya na naka-duty na si Raffy Porto upang sumama sa  kanilang magnakaw ngunit tumanggi ito.

Sa kabila nito ay itinuloy pa umano ng mga suspek ang pagnanakaw kaya’t napilitan si Porto na magsumbong sa kanilang Operations Manager kinaumagahan, saka nagtungo sa himpilan ng pulisya upang i-report ang insidente.

Kaagad namang naaresto ng mga awtoridad ang mga suspek sa isinagawa nilang follow-up operation sa magkakahiwalay na lugar sa, Antipolo City.

 

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

BRGY

CRUZ CONSTRUCTION COMPANY

GOLDEN SUMMIT SECURITY AGENCY

JOEL LOPEZ

OPERATIONS MANAGER

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with