^

Metro

Totoy lunod sa creek

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 10- anyos na batang lalaki ang nasawi makaraang tangayin ng agos ng tubig sa isang creek habang nangu­nguha ng kalakal kasama ang tatlo pang kaibigan sa isang subdivision sa lungsod Quezon, ayon sa ulat kahapon.

Ayon sa ulat ng Novaliches Police Station, nakilala ang nasawi na si Jancel Montaos, estudyante, ng Idang St., Sitio Arguandante, Brgy. Sta. Monica sa lungsod.

Ayon kay SPO1 Randy Bantillo, masuwerte namang nailigtas ang mga kasamahan nitong naanod ng tubig na sina Jay-ar Montaos, 10; Rodel Tanilon, 12; habang patuloy ang search and rescue operation ng awtoridad sa nawawala pang si Mark Angelo Lugtu, 13.

Sabi ni Bantillo, nangyari ang insidente sa creek na matatagpuan sa Jordan Plains Phase 3, Commonwealth Ext. Brgy. Pasong Putik Novaliches, ganap na alas-3:15 ng hapon.

Sinasabing sa kasagsagan ng pagbuhos ng ulan ay na­ngunguha sa creek ng kalakal na maaaring pagkakitaan ang mga biktima, nang biglang tumaas ang tubig at matangay ang mga ito.

Sa lakas ng agos, hindi ito nakayanan ng mga bata, kung saan sinubukan pang iligtas ang mga ito ng mga residente at pinahawak sa isang PVC pipe pero nakabitaw ang mga ito.

Nakarating naman sa ka­alaman ni Supt. Virgilio Fabian­ ang insidente at tumulong na rin sa rescue operation ang kanyang tropa at isang lubid ang inihagis at ipinahawak sa mga bata kung saan nailigtas sina Jay-ar at Rodel.

Nagpatuloy ang paghahanap sa natitirang mga biktima, kasama ang tropa ng Philippine Coast Guard hanggang sa matagpuan si Jancel sa may Morena Creek sa Villa Verde Subd. Brgy. Sta Monica Novaliches, ganap na alas-6:50 ng gabi. Habang patuloy ang search and rescue operation sa nawawala pa ring si Mark.

 

AYON

BRGY

COMMONWEALTH EXT

IDANG ST.

JANCEL MONTAOS

JORDAN PLAINS PHASE

MARK ANGELO LUGTU

MORENA CREEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with