Bagitong pulis timbog sa rape
MANILA, Philippines - Arestado ang isang baguhang pulis makaraang ituro ng isang 17-anyos na estudyante na siyang nangÂgahasa sa kanya, kamakalawa ng gabi sa Taguig City.
Nakaditine ngayon at nahaharap sa kasong pang gagahasa ang suspect na si PO1 Jordan PigonÂ, 26, nakatalaga sa Regional Public Safety Battalion ng National Capital Regional Police Office (NCRPO).
Sa ulat ng Taguig City Police, naganap ang pangÂgagahasa sa biktima na itinago sa pangaÂlang Mary Jane, dakong alas-10 ng gabi sa loob ng inuÂupahang silid nito sa may Purok 6-A Brgy. Lower Bicutan, ng naturang lungsod.
Ayon sa biktima, nasa harapan siya ng kanilang boarding house nang biglang yakapin siya at tiÂnangkang halikan ng suspect. Pumalag umano siya at nagalit saka pumasok na sa kanyang silid upang makaÂiwas sa pulis.
Ngunit sumunod umano ang pulis at puwersahang pumasok sa kanyang silid kung saan naisakatuparan ang panggagahasa sa kanya makaraan siyang pagbantaan.
Matapos ang insidente, kaagad na humingi ng tulong ang biktima sa kanyang mga kaibigan at kaanak na siyang nagsama sa kanya sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya upang doon magÂreklamo.
Mabilis namang kumilos ang pulisya kung saan nadakip si Pigon na tumanggi sa akusasyon sa kanya ng dalaga.
- Latest