MANILA, Philippines - Aabot sa kabuuang 6,292 ka bataang residente ng Makati City ang nakinabang sa ibinigay na summer programs hindi lang sa mga estudyante ngunit maging sa mga “out-of-school youthâ€.
Sinabi ni Mayor Junjun Binay na nakatulong ang inilunsad nilang GoÂvernment Internship Program (GIP) at Special Program for the Employment of Students (SPES) sa pag-iipon para panÂdagdag sa matrikula ng mga estudyante at pagkakakitaan ng mga hindi makaÂpag-aral.
Magtutuluy-tuloy umano ang progÂrama sa mga susunod na bakasyon hindi lang upang magbigay ng kita sa mga kabataan ngunit upang maÂkaÂkuha ng dagdag na karanasan at kaalaman ang mga ito para matulu ngan silang makahanap ng trabaho.
Ayon sa Makati Public Employment Service Office (PESO), nagsimula ang GIP para sa mga out-of-school youth mula Marso 25 hanggang Abril 30 na may 4,292 natanggap. Nasa 2,000 estudÂyante naman ang sumailalim sa SPES mula Marso 14-Hunyo 8. Sa ilalim ng GIP, kumita ang mga kabataan ng P7,866 habang nasa P10,488 naman ang sinahod ng mga estudyante sa ilalim ng SPES.