^

Metro

6,292 kabataan kumita sa summer program

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa kabuuang 6,292 ka­ bataang residente ng Makati City ang nakinabang sa ibinigay na summer programs hindi lang sa mga estudyante ngunit maging sa mga “out-of-school youth”.

Sinabi ni Mayor Junjun Binay na nakatulong ang inilunsad nilang Go­vernment Internship Program (GIP) at Special Program for the Employment of Students (SPES) sa pag-iipon para pan­dagdag sa matrikula ng mga estudyante at pagkakakitaan ng mga hindi maka­pag-aral.

Magtutuluy-tuloy umano ang prog­rama sa mga susunod na bakasyon hindi lang upang magbigay ng kita sa mga kabataan ngunit upang ma­ka­kuha ng dagdag na karanasan at kaalaman ang mga ito para matulu­ ngan silang makahanap ng trabaho.

Ayon sa Makati Public Employment Service Office (PESO), nagsimula ang GIP para sa mga out-of-school youth mula Marso 25 hanggang Abril 30 na may 4,292 natanggap. Nasa 2,000 estud­yante­ naman ang sumailalim sa SPES mula Marso 14-Hunyo 8. Sa ilalim ng GIP, kumita ang mga kabataan ng P7,866 habang nasa P10,488 naman ang sinahod ng mga estudyante sa ilalim ng SPES.

EMPLOYMENT OF STUDENTS

INTERNSHIP PROGRAM

MAKATI CITY

MAKATI PUBLIC EMPLOYMENT SERVICE OFFICE

MARSO

MAYOR JUNJUN BINAY

SHY

SPECIAL PROGRAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with