MANILA, Philippines - Bigo ang tatlong holÂÂdaper na maholdap ang dalawang American national makaraang pumaÂlag ang isa sa mga biktima na nakakuha ng atensyon ng taumbayan, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Dumulog sa Pasay City Police ang mga biktimang sina Michael Turner, tubong California, USA at Filipino-American na si Jaime Tubalinal, 52, tubong Nueva Ecija.
Sa ulat ng Pasay City Police, naghihintay ng masasakyang bus dakong alas-5 ng ma daÂling-araw sa may EDSA cor. Celle Street, patungong NiÂnoy Aquino International Airport ang dalawa dahil sa paÂÂpauwi sa Estados Unidos si Turner makaraang magbakasyon sa lalawigan ni Tubalinal.
Ayon kay Turner, naglalakad sila sa luÂgar nang unang lapitan si Tubalinal ng isa sa mga holdaper at tutukan ng patalim. Isa sa mga holÂdaper ang lumapit sa kanya at tinangkang hablutin ang dala niyang laptop bag habang nakamasid lamang ang ikatlong salarin.
Nanlaban ni Turner kung saan sinuntok siya ng ikalawang suspek ngunit nagawa niyang maÂkahulagpos at magtatakbo sa gitna ng kalÂsada at humingi ng saklolo na nakakuha ng atensyon sa taumbayan sa lugar. Dito na nagkanya-kanyang takas ang mga holdaper at iniwan ring ligtas ang biktimang si Tubalinal.