MANILA, Philippines - Nagpapalusot lang ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Cordillera Region maÂtapos itong tumangging makilahok sa lokal na peace talks kaugnay ng isinusulong na kapayapaan ng pamahalaan. Ito ang naging reaksyon kahapon ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Brig. Gen. Domingo Tutaan kasunod naman ng pahaÂyag ng NPA rebs na hindi na nila nais makilahok sa local peace talks.
Nabatid na ikinatwiran ng NPA ang air strike opeÂrations ng militar sa mga kampo sa Abra kung saan sinabi ni Brig Gen Hernando Iriberri ng Army’s 503rd Infantry Brigade ay bahagi lamang ng propaganda ng mga rebelde.
Ipinaliwanag pa ng opisyal na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy pa rin ang paglabag ng NPA sa karapatang-pantao na ginawa ng mga itong pag-atake sa Dole Plantation sa Bukidnon, pananambang sa convoy ni Mayor Ruthie GuinÂgona, panggugulo at pananambang sa Negros OcciÂÂdental at iba pa. Gayon pa man, sinabi ni Tutaan na posiÂtibo ang AFP na kung uupo sa negotiating table ang NPA ay maisusulong ang minimithing pangmatagalang kapayapaan.