60 kapsula ng droga nilunok: West African drug courier, timbog ng NBI
MANILA, Philippines - Isang drug mule mula sa bansang Benin ang nasakote ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) nang magtangkang ipuslit ang 60 kapÂsula ng iligal na droga na kaniyang nilunok sa pagtuntong nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Kinilala ni NBI Director Nonnatus Caesar Rojas ang suspect na si Akilou Bassi, umano’y isang negosyante mula sa Togo, Benin.
Sa ulat ni Head Agent Ross Jonathan Galicia, hepe ng NBI-Reaction and Interdiction Division (RAID), si Basi ay palapag ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Togo Benin nang kanilang abangan dahil sa impormasyong may kahina-hinala itong kilos.
Nauna rito, sinaklolohan ang suspect dahil sa pananakit ng kanyang tiyan dahilan upang isugod sa ospital subalit nang ito ay isailalim sa X-ray ay nakita sa kanyang tiyan ang mga kapsula. Matapos suriin ay nadiskubreng ito ay shabu na tumitimbang ng 448 gramo.
Umamin naman ang suspect na ginawa niya ito kapalit ng halagang USD4,000 para ideliber sa isang contact sa Pilipinas.
Ayon kay Galicia, inaÂalam pa kung sino ang kontak ng suspek sa Pilipinas.
Binanggit pa ni Galicia, ito ang kauna-unahang naÂka sabat ang NBI ng isang foÂreign drug mule kung saan nilunok ang kapsula na nagÂlalaman ng shabu.
- Latest