MANILA, Philippines - Arestado ang isang mister matapos na magtangkang lumaban at barilin ang mga pulis na dadakip sa kanya kamakalawa sa Parañaque City.
Bukod sa kasong kinaÂkarahap nito na hindi naman nakalagay sa warrant of arrest, sinampahan din ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code (gun ban) ang akusadong si Edwin Marfil, 49, nakatira sa Himlayan Palanyag Tramo II, Barangay San Dionisio ng naturang siyudad.
Ayon kay Police Sr. Supt Andrei Felix, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon sa nabanggit na lugar.
Nabatid, na habang aarestuhin ng mga kaÂgawad ng Parañaque City Police Warrant Section ang akusado dahil sa kasong kinakaharap nito base sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ni Judge Roberto Makalintal, ng Parañaque City MetroÂpolitan Trial Court, Branch 77.
Biglang nanlaban si MarfilÂ, kung saan kinuha nito ang kanyang nakaÂtagong caliber .9mm na baril at tinangkang papuputukan ang mga arresting officer nito.
Subalit naging maagap ang mga pulis at naagaw nila ang naturang kalibre ng baril mula kay Marfil.
Ayon pa kay Felix, hindi naman nakasaad sa warrant of arrest kung ano ang kasong kinakaharap ni Marfil at bukod dito, dahil sa illegal na pagdadala nito ng baril ay sinampahan din ito ng kasong paglabag sa gun ban.
Si Marfil ay nakakulong ngayon sa Parañaque City Jail.