^

Metro

Nanlaban sa pulis, mister timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang mister matapos na magtangkang lumaban at barilin ang mga pulis na dadakip sa kanya kamakalawa sa Parañaque City.

Bukod sa kasong kina­karahap nito na hindi naman­ nakalagay sa warrant of arrest, sinampahan din ng kasong paglabag sa Omnibus Election Code (gun ban) ang akusadong si Edwin Marfil, 49, nakatira sa Himlayan Palanyag Tramo II, Barangay San Dionisio ng naturang siyudad.

Ayon kay Police Sr. Supt Andrei Felix, hepe ng Parañaque City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng hapon sa nabanggit na lugar.

Nabatid, na habang aarestuhin­ ng mga ka­gawad ng Parañaque City Police Warrant Section ang akusado dahil sa kasong kinakaharap nito base sa bisa ng isang warrant of arrest na inisyu ni Judge Roberto Makalintal, ng Parañaque City Metro­politan Trial Court, Branch 77.

Biglang nanlaban si Marfil­, kung saan kinuha nito ang kanyang naka­tagong caliber .9mm na baril at tinangkang papuputukan ang mga arresting officer nito.

Subalit naging maagap ang mga pulis at naagaw nila ang naturang kalibre ng baril mula kay Marfil.

Ayon pa kay Felix, hindi naman nakasaad sa warrant of arrest kung ano ang kasong kinakaharap ni Marfil at bukod dito, dahil sa illegal na pagdadala nito ng baril ay sinampahan din ito ng kasong paglabag sa gun ban.

Si Marfil ay nakakulong ngayon sa Parañaque  City Jail.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN DIONISIO

CITY JAIL

CITY METRO

CITY POLICE

CITY POLICE WARRANT SECTION

EDWIN MARFIL

MARFIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with