Malakas na ulan sinamantala: Estudyante hinoldap
MANILA, Philippines - Sinamantala ng tatlong holdaper ang malakas na buhos ng ulan para isagawa ang panghoholdap sa isang estudyante sa Mandaluyong City kamakalawa ng gabi.
Personal na nagtungo sa Mandaluyong City Police ang biktimang si Kayne LiÂtonjua, 21, ng Sto. Rosario Extension, Barangay Plainview, Mandaluyong City.
Batay sa reklamo ni LiÂtonjua sa Criminal InvesÂtigation Unit, pasado alas-8:00 ng gabi nang maganap ang krimen sa kasagsagan ng buhos ng ulan sa hagdanan ng MRT Boni Station south-bound.
Ani Litonjua, bumababa siya ng hagdanan ng MRT nang sabayan siya ng tatlong di-kilalang suspect at pagitnaan.
Tinutukan umano siya ng ice pick ng mga suspect sabay deklara ng holdap.
“Pare, holdap ito, ibigay mo lang ang bag mo at huwag ka nang pumalag,†bulong pa umano ng isa sa mga suspect sa biktima.
Anang biktima, ni hindi niya nagawang humingi ng tulong dahil napakalakas ng buhos ng ulan.
Natakot din aniya siya kung kaya’t kaagad na ibiÂnigay sa mga suspect ang kanyang itim na backpack na kinalalagyan ng kanyang Macbook laptop na nagkakaÂhalaga ng P60,000 at iba pang personal na gamit at mga libro.
Nang makuha ang pakay ay mabilis na umanong nagtakbuhan palayo ang mga suspect upang tumakas.
Inaalam naman na ng mga awtoridad ang pagkaÂkakilanlan ng mga suspect.
- Latest