^

Metro

P74.8-M pondo ng Makati sa mga senior citizen

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aabot sa P74.8 milyong pondo ang inilabas ngayon ng pamahalaang lungsod ng Makati na inumpisahang ipamahagi bilang “mid-year cash gift” sa kanilang mga residenteng senior citizens.

Ayon kay Makati Mayor Junjun Binay, nasa 58,379 senior citizen na nakarehistro sa ilalim ng kanilang BLU Card program ang mabi­biyayaan ng regalong salapi.

Itinalaga ang Cash Division ng Makati City Hall upang unti-unting ipamahagi ang naturang pondo sa nakaiskedyul na araw.  Ipamamahagi ang perang regalo sa opisina ng Cash Division na nasa ikatlong palapag ng City Hall, sa mga barangay halls at mga covered courts.

Una nang ipinama­hagi ang cash gifts ng mga senior citizen na nakatira sa Ba­rangays Northside, Comembo, Carmona, Singkamas, Kasilawan at Pinagkaisahan nitong Hunyo 5 na aabot sa P1,000-P2,000.  Maaari namang makipag-ugnayan ang ibang benepisaryo sa kanilang Chapter Chairman o sa Senior Citizen ng Makati Social Welfare Department para sa iskedyul ng pagtanggap ng cash gift.

Noong nakaraang taon, inaprubahan ng Makati City Council ang ordinansa na nagtataas sa cash gift ng mga senior citizens.

Sa mga may edad 70-79 anyos, tatangap ang mga ito ng P3,000 buhat sa da­ting P2,000; sa mga may edad higit sa 80-anyos, tatangap ng P4,000 buhat sa dating P3,000 habang ang mga nasa 60-69 anyos ay patuloy na makakatanggap ng P2,000. 

Ang cash gift ay ibini­bigay sa dalawang installments, tuwing Hunyo at Disyembre ng bawat taon.

CASH

CASH DIVISION

CHAPTER CHAIRMAN

CITY HALL

HUNYO

MAKATI CITY COUNCIL

MAKATI CITY HALL

MAKATI MAYOR JUNJUN BINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with