Obrero nakuryente, patay
MANILA, Philippines - Namatay ang isang construction worker maÂtapos itong makurÂyente habang nagkukumpuni sa loob ng isang bodega sa Malabon City kamakalawa.
Dead-on-arrival sa PaÂgamutang Bayan ng Malabon ang biktimang si Reynald Demalata, 24, ng Sitio 6 Dumpsite, Brgy. Catmon ng naÂÂsabing lungsod.
Ayon kay Police Insp. Marissa Santos, ng MaÂlabon City Police Criminal Investigation Branch, naganap ang insidente dakong alas-2:30 ng hapon sa isang bodega sa Dizon St., Brgy. Tenajeros ng naturang lungsod.
Habang nagkukumÂpuni ang biktima sa naturang bodega gamit ang dekuryenteng barena nang aksidenteng dumikit ang hawak nitong wire sa live wire.
Dahilan upang maÂkurÂyente at mangisay ito dahil basa ang inaapakan nitong semento.
Agad na dinala ang bikÂtima sa nasabing paÂgamutan ng kanyang mga kasama, suÂbalit hindi na rin umabot ng buhay kung saan inaalam na ng mga pulis kung may pananaÂgutan ang may-ari ng nasabing bodega.
- Latest