MANILA, Philippines - Arestado ang isa sa riding-in-tandem na nagtangkang mangholdap ng negosyanteng sakay ng isang “sports utility vehicle (SUV)†matapos na matiyempuhan ng pulisya ang panghoholdap, kahapon sa Mandaluyong City.
Nakilala ang nadakip na suspect na si Reynaldo Cepedo, 24, binata, ng #10 Correctional Institution for Women Compound sa Nueve de Pebrero, Brgy. Highway Hills, ng naturang lungsod. Patuloy namang inaÂalam ang pagkakakilanlan ng kasamahan nito.
Sa ulat ng Mandaluyong Police, dakong alas-4 ng hapon nang mangholdap ang mga salarin sa Haig St., Daang-Bakal, ng naturang lungsod.
Ayon kina Ryan Pacheco, 21, liaison officer ng MSCC Construction Builder, lulan siya ng service vehicle ng kompanya kasama ng driver na si Hilario Capili buhat sa kanilang opisina sa Bacood, Sta. Mesa at idedeposito ang pera ng kumpanya na nagkakahalaga ng P160,000.
Nang makarating sa naturang lugar, binangga ang kanilang sasakyan ng isang kulay dilaw na motorsiklo lulan ang daÂlawang lalaki. Agad na bumaba si Capili upang inspeksyunin ang saÂsakyan ngunit agad siyang tinutukan ng baril ng isa sa mga suspect habang ang isa ay nagtungo kay Pacheco at pilit na inaagaw ang bag na naglalaman ng pera.
Tiyempo naman na napadaan ang isang patrol car ng Mandaluyong police kaya nagsiÂtakas ang mga salarin hanggang sa makorner ang suspect na si CepedoÂ.
Hinala ng pulisya, plano ang panghoholdap dahil sa alam ng mga saÂÂlarin na may dalang maÂlaking halaga ang mga biktima.