MANILA, Philippines - Magkakaroon ng limang linggong preparasyon para sa mga sasali ng Manila Bay Clean Up Run at iba pa’ng mahilig tumakbo sa pamaÂmagitan ng isang running clinic na tinaguriang “Takbo-SaÂbado sa CCPâ€. Ito’y gaganapin sa Hunyo 8, 15, 22, 29 at ika-6 ng Hulyo, sa ilalim ng pagtangkilik ng Manila Broadcasting Company – DZRH, at pakikipagtulungan ng Run4 Change Inc. at FUNd Racing Team. Tuwing Sabado, iba’t iba ang tatalakayin gaya ng fitness development, hydration, injury prevention, lifestyle modification, at secrets to running success.
Mga batikang national athlete at volunteer runners ang mangangasiwa sa group training routines, na magtatapos sa isang pace-guided 5-kilometer run sa palibot ng CCP complex.
Inaasahang pagkatapos ng Takbo-Sabado sa CCP running clinic, higit na marami ang sasali sa Manila Bay Clean Up Run ng MBC na gaganapin sa ika-14 ng Hulyo, kasabay ng ika-74 anibersaryo ng DZRH. Maaari na’ng magparehistro sa 3-km, 5-km, 10-km at 21-km runs sa MBC lobby, o di kaya sa ROX Global City, Planet A Sports sa Trinoma, at Athlete’s Foot sa Alabang Town Center. Maaring matunghayan ang iba pa’ng detalye sa facebook page ng Manila Bay Clean Up Run.
Para sa karagdagang kaÂalaman ukol sa Takbo-Sabado sa CCP, tumawag kina Cyrille Cupino o Aly Narvaez sa DZRH hotline 832.6116 / 6117.