^

Metro

59-anyos na lola utas sa tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 59-anyos na lola ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa sa Caloocan City.

Dead-on-arrival sa Manila Central Univer­sity (MCU) Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Conchita Gregorio, ng Lechugas Alley, Brgy. 133, Bagong Barrio ng nasabing lungsod.          

Base sa imbestigasyon ni SPO3 Jaime Basa, ng Station and Investigation Division (SID), Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng hapon sa Zapote St., Bagong Barrio ng naturang siyudad habang gumagamit ng cellphone ang biktima nang biglang duma­ting ang mga suspect na magka­angkas sa motorsiklo na hindi nakuha ang plaka.

Dito ay walang sabi-sabing­ pinaputukan ng mga suspect ang biktima dahilan ng kanyang kamatayan.

Mabilis namang tumakas ang mga suspect matapos isagawa ang pamamaril.

Patuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon sa insidente para matukoy ang motibo rito.

vuukle comment

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

CONCHITA GREGORIO

JAIME BASA

LECHUGAS ALLEY

MANILA CENTRAL UNIVER

STATION AND INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with