Delivery boy utas sa bala

MANILA, Philippines - Hindi na umabot sa loob ng kanyang bahay ang isang 31-anyos na delivery boy nang pagbabarilin habang papauwi, sa Baseco Compound, Port Area, Maynila, kahapon ng umaga.

Kinilala ni SPO1 Milbert Ba­linggan, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktimang si Michael Abad, ng #326 Aplaya St., Block 1,  Baseco Compound, Port Area, Maynila.

Ayon sa live-in partner ng biktima na si Christine Lagumen, dakong alas- 12:30 ng madaling-araw ay inihatid pa siya ni Abad sa terminal ng tricycle at bandang ala-1:00 ay nag-text pa umano sa kanya na nagpapaalam na may pupuntahan lamang.

Isang alyas “Amy”, 68, ang nagsabi na nakarinig na siya ng  sunud-sunod na putok pero hindi niya umano pi­nansin­. Nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya.

 

Show comments