Pekeng movie/ TV director huli sa entrapment
MANILA, Philippines - Isang nagpakilalang movie at television director ang dinakip sa isang enÂtrapÂment operation na isinaÂgawa sa Ermita, Maynila, matapos ireklamo ng iligal na pagre-recruit ng mga talent kabilang ang ilang bata, na pinangakuang ibi-build up sa showbiz industry, kamaÂkalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Senior Insp.Virgilio Meneses, ang suspect na si Estivoh Biton Aposaga. 29, at residente ng Unit 702 Manly Mansion compound, San Sebastian St., Quiapo, Maynila.
Dakong alas-3:00 ng hapon kamakalawa nang ares tuhin si Aposaga sa Southern Cross Hotel, Room 405 M.H. del Pilar, Ermita, Maynila kaÂugnay sa panghihingi ng diumano’y processing fee para sa Department of Labor and Employment (DOLE) permit ng mga meno-de-edad na magtatrabaho sa showbiz.
Umabot umano sa 50 complainant na nagmula ang ilan sa Batangas, Laguna at Quezon province ang nabiktima ng suspect na pawang hiningan ng halagang mahigit P2,000, bukod pa sa ilang pinangakuan na nakapagbigay ng hanggang P50-libo sa ilang mga pagkakataon.
Isinalang umano ang mga bata sa workshop at napako naman ang mga pangako na ilalabas sa teleserye ng GMA-7 network, kung saan umano sinabi ng suspect na konektado ito.
Kamakalawa ay agad ding isinalang sa inquest proÂceedings ang suspect sa MaÂnila Prosecutors Office kaÂugnay sa kasong esÂtafaÂ.
- Latest