Tubig sa MPD, naibalik na
MANILA, Philippines - Tapos na rin ang paghihirap ng mga pulis at empleÂyado ng Manila Police District (MPD) matapos na maibalik ang serbisyo ng tubig dito kahapon na tumagal din ng dalawang linggo.
Nabatid ito matapos kumpirmahin ni Cherubim Ocampo, head ng Corporate Communications ng Maynilad, na natanggap nila kahapon ng alas-10:00 ng umaga ang tseke na nagkakahalaga ng P2-milyon mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO).
Bahagi lamang umano ang nasabing halaga ng mga pagkakautang ng MPD sa Maynilad at may balanse pa ring P3.79-M, na ipinaÂngakong babayaran sa mga susunod na 19 na buwan.
Apat umano ang account ng MPD na may kabuuang P8-M.
- Latest