^

Metro

Dispatcher ng bus inatado

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang dis­patcher ng bus makaraang pagsasaksakin ng isa sa tatlong mga suspect habang ang una ay nakatayo at nag­hihintay ng masasakyang taksi sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si Ramil Robes, nasa hustong gulang, binata ng #81 13th Avenue, Brgy. Socorro, QC.

Pinaghahanap naman ang tatlong salarin na nag­lakad lamang umano makaraang isagawa ang krimen.

Ayon kay PO2 Roldan Cornejo, may-hawak ng kaso, nangyari ang krimen sa may Imperial St., corner Aurora Boulevard, Cubao, ganap na alas-12:10 ng madaling-araw.

Sabi ng mga testigong sina Raffy Dalugo at Jefferson Asebuche, naghihintay silang tatlo ng masasakyang taxi sa nasabing lugar nang biglang sumulpot ang mga suspect.

Isa sa mga suspect ang bigla na lamang umanong nagbunot ng patalim at pinagsasaksak ang biktima, habang ang dalawa naman ay nagsilbing mga look-out.

Matapos nito, iniwan na lamang ng mga suspect ang sugatang biktima habang naka­handusay saka nag­lakad na parang walang nangyari patungong EDSA.

Nang mawala ang mga suspect, agad na pinagtulungang dalhin ng dalawang saksi ang biktima sa Quezon City Memorial Medical Center subalit idineklara rin itong dead-on-arrival, ganap na alas-3:10 ng madaling-araw ni Dr. John Jeffrey Demo, attending physician.

Patuloy ang imbestigas­yon ng awtoridad sa nasabing insidente.

 

AURORA BOULEVARD

DR. JOHN JEFFREY DEMO

IMPERIAL ST.

JEFFERSON ASEBUCHE

QUEZON CITY MEMORIAL MEDICAL CENTER

RAFFY DALUGO

RAMIL ROBES

ROLDAN CORNEJO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with