^

Metro

Killer ng Singaporean trader, tukoy na

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tukoy na ng Quezon City Police District ang helper na pumatay sa negosyanteng Singaporean national kamakailan.

Ayon kay Inspector Elmer Monsalve, hepe ng homicide investigation section Quezon City Police District (QCPD), nakilala nila ang suspect na si Oreste Orejudos Jr., 18, residente sa Doña Ana, Camarin, Caloocan City.

Si Orejudos, aniya na unang nakilala sa alyas na “JR”, ang pangunahing suspect sa pagpatay sa among si Lee Choi Ping, na kilala rin sa pangalang Peter Lee, 50.

Si Lee ay natagpuang patay sa loob ng kanyang tahanan sa may Detroit St., Brgy. Pinagkaisan, Quezon City, ganap na alas-4:20 ng hapon.

Pinaniniwalaan ding ang biktima ay pinagnakawan dahil nawawala ang kanyang wallet at IPhone 4.

Sabi ng opisyal, pinuntahan na ng mga imbestigador ang bahay ng suspect sa Caloocan City at nakausap na rin nila ang tatay nito na si Oreste Orejudos Sr.

Sinabi umano ng matandang Orejudos sa pulisya na hindi pa niya nakikita ang anak simula nang magtrabaho ito sa biktima nitong ilang buwan. Hindi na rin umano sila tinatawagan o kinokontak kahit sa cell phone.

Patuloy ang follow-up operation ng QCPD laban sa suspect at inihahanda na rin ang pagsasampa ng kasong murder laban dito sa piskalya.

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DETROIT ST.

INSPECTOR ELMER MONSALVE

LEE CHOI PING

ORESTE OREJUDOS JR.

ORESTE OREJUDOS SR.

PETER LEE

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SI LEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with