MANILA, Philippines - Natangay ang halagang P800,000 cash mula sa isang money changer sa Cubao, Quezon City matapos na pasukin ng kilabot na acetylene gang na gumagawa ng tunnel para makapasok sa loob, ayon sa pulisya.
Ayon kay SupeÂrintendent Ronnie Montejo, hepe ng Cubao Police Station, nagawang makapasok ng mga suspect sa Emerald Money Changer, na pag-aari ni Ranie Carlos at matatagpuan sa Opulent Building at Gen. Roxas Avenue corner EDSA in Araneta Center, Cubao.
Dagdag ni Montejo, nagawang matangay ng mga suspect ang haÂlagang P800,000 cash at tatlong shotguns mula sa nasabing establisimento.
Sabi pa ng opisyal, ang pagnanakaw ay nadiskubre ng empleyado na si Rowena Agbuya, ganap na alas-10 ng umaga.
Dumating umano si Agbuya at binuksan ang shop kung saan niya nakita ang butas ng sahig.
Nang makapasok ang mga suspect sa shop ay sinira ng mga ito ang vault kung saan nakaÂlagay ang nasabing pera.
Natagpuan din sa loob ng shop na naiwan ng mga suspect ang daÂlawang hydraulic jacks.
Sa kasalukuyan, tiniyak ni Montejo na paÂtuloy ang imbestigasyon, kaÂbilang ang ugat kung saan nagsimula ang paghuÂhukay ng tunnel.