12-anyos lunod sa swimming pool
MANILA, Philippines - Hindi na naisalba ang buhay ng isang 12-anyos na batang lalaki matapos sumisid sa malalim na bahagi ng swimming pool sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.
Idineklarang patay sa Ospital ng Maynila si John Roland Soriano, residente ng Dagonoy St., Sta. Ana, Maynila, dakong alas-6:30 ng gabi.
Sa ulat ni PO3 Alonso T. Layugan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:00 ng hapon nang magtuÂngo sa Army Navy Club sa TM Kalaw St., Ermita, ang biktima kasama ang kanyang ina na si Marites Soriano at iba pa upang mag-swimming.
Habang nagsi-swimming ay nagsisiÂgaw umano ang ina ng biktima ng saklolo para sa anak at agad namang rumesÂponde ang lifeguard na si Reynald Arias at iniahon ang biktima sa umano’y nasa 8 talampakan lalim ng swimming pool.
Binigyan muna umano ng first aid ang bata bago isinugod sa pagamutan pero hindi na umabot pang buhay.
- Latest