MANILA, Philippines - Pumalag at lumiham si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino sa internasyunal na nobelistang si Dan Brown upang bigyang-linaw ang panibagong insulto na ibinato sa lungsod ng Maynila na inilarawang “Gates of hell†sa pinakabagong nobela nitong “Infernoâ€.
May mailing address ang liham ni Tolentino para kay Brown sa Doubleday, 1745 Broadway New York, NY 10019 at may petsang Mayo 23.
Nagpahayag ng pagkadismaya si Tolentino sa umano’y “inaccurate†na paglalaÂrawan ni Brown sa Maynila.
“While we are aware that yours is a work of fiction, we are greatly disappointed by your inaccurate portrayal of our beloved metropolis. We are displeased of how you have used Manila as a venue and source of character’s breakdown and trauma, much more her disillusionment in humanity,†bahagi ng liham ni Tolentino.
“We are displeased of how you have used Manila as a venue and source of chaÂracter’s breakdown and trauma, much more her disillusionment in humanity,†dagdag pa sa liham.
Sa naturang nobela, nagtungo sa Maynila ang isang karakter na si Sienna Brooks para sa isang “humanitarian mission†ngunit nagulantang sa matinding kahirapan at nagahasa ng lokal na kriminal ng lungsod.
Inilarawan rin sa nobela ang pagkakaroon ng anim na oras na pagbubuhol sa trapiko sa mga kalsada, nakakasakal na polusyon, at nakakagulat na bentahan ng panandaliang-aliw kung saan mga magulang pa mismo ang nagbebenta ng kanilang mga anak.
Ipinagtanggol naman ni Tolentino ang magandang bahagi ng Maynila na sentro umano ng pananampalataya at pag-asa. Kaya rin umanong magpakita ng mga taga-Maynila ng magandang ugali at kabutihan sa kapwa na hindi nakita ng nobela.
Sa halip na “Gates of hellâ€, iginiit ni Tolentino na ang Maynila ay “Entry to heavenâ€.
Pinagsabihan pa ni Tolentino ang nobelista na ikonsidera ang mga sinabi sa liham sa susunod na gumawa ito ng nobela ukol sa lungsod at sa Pilipinas.